HALAW SA KATITIKAN NG IKA-117 KARANIWAN PULONG NG  kgg. SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA (2013-2016) NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG ika-6 ng ENERO, 2016 ARAW NG MIYERKULES.

MGA DUMALO:

  • Kgg. Aurelio P. Paraiso,                             Pangalawang Punong-Bayan/ Tagapangulo,
  • Kgg. Brigido R. Bagayana,                                                    Konsehal,
  • Kgg. Rupert Joseph B. Velasco,                                            Konsehal,
  • Kgg. Yolanda M. Bagamano,                                               Konsehal,
  • Kgg. Urbano R. Cadapan,                                                    Konsehal,
  • Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,                                          Konsehal
  • Kgg. Hermie B. Bagongahasa,                                               Konsehal,
  • Kgg. Noldito V. Balquiedra,                                                Konsehal,
  • Kgg. Reynaldo D. Baldemor,                                               Konsehal,
  • Kgg. Robert Q. Bagabaldo,                                                    Konsehal-LBP,

HINDI DUMALO:   WALA

RESOLUSYON BLG.  001  T.  2016

RESOLUSYONG KAHILINGAN KAY G. RAMIL F. DE JESUS, GENERAL MANAGER, FIRST LAGUNA ELECTRIC COOPERATIVE (FLECO)  NA  MALAGYAN NG ELECTRIPIKASYON ANG SITIO GUMIHAN SAKOP NG BARANGAY 2 MAYTOONG AT SITIO TUBOG SAKOP NG BARANGAY 6 ILAYA DEL NORTE PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, angPagpapailaw (Electrification) ng mga Sitio sa kabundukan na nasasakupan ng bayan ng Paete, Laguna   ay isa sa mga pangunahing programa ng Pamahalaang Bayan;

SAPAGKAT,  kung ang programang ito ay maisasakatuparan sa  ating bayan, ito  ay  makapagdulot ng kaginhawahan at maayos na pamumuhay sa mga naninirahan sa kabundukan;

SAPAGKAT, makakatulong rin ang pagkakaroon ng ilaw upang magkaroon ng kapanatagan ng kalooban ang mga naninirahan sa kabundukan dahil sa liwanag na maidudulot nito sa kanilang tahanan at sa kapaligiran;

SAPAGKAT, ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna ay nasa 4th class municipality at walang sapat o mailalaan na pondo para sa mga proyektong ito;

SAPAGKAT, batid ng Sangguniang ito na si Kgg. Benjamin C. Agarao, Jr. Kinatawan, Ika-apat na Distrito ng Laguna  ay handang tumugon sa mga pangangailangan ng mga bayan na walang sapat na pondo upang makatugon sa nasabing proyekto  lalo’t higit sa ikauunlad ng pamumuhay ng ating mga  kababayan.

SAPAGKAT, naniniwala ang sangguniang ito na ang kayo ay may ginintuang puso at handang tumugon sa mga pangangailangan ng mga bayan na walang sapat na pondo upang makatugon sa nasabing proyekto  lalo’t higit sa ikauunlad ng pamumuhay ng ating mga  kababayan sa Sitio Gumihan sakop ng Barangay 2 Maytoong at Sitio Tubog sakop ng Barangay 6 Ilaya Del Norte Paete, Laguna.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Hermie B. Bagongahasa at pinangalawahan ni Konsehal Rupert Joseph B. Velasco, Konsehal Yolanda M. Bagamano, Konsehal Reynaldo D. Baldemor at ABC-Konsehal Robert Q. Bagabaldo, kinatigan at sinang-ayunan ng lahat na dumalong mga konsehal, ay

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng sangguniang ito, sa ngayon, ay hinihiling kay G. Ramil F. De Jesus, General Manager, First Laguna Electric Cooperative (FLECO)  na  malagyan ng electripikasyon ang Sitio Gumihan sakop ng Barangay 2 Maytoong at Sitio Tubog sakop ng Barangay 6 Ilaya Del Norte Paete, Laguna.

INIATAS:  na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at pagtulong.

PINAGTIBAY:  6 Enero 2016

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

SHEILA L. CADAY

OIC-SB Kalihim 

PINATOTOHANAN:

AURELIO P. PARAISO

Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo                                                                               

PINAGTIBAY:

 ROJILYN Q. BAGABALDO

 Punong-Bayan